Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nang nagiging moderno ang uri ng pamumuhay ng sangkatauhan. Halimbawa na nga lamang ay ang naging pag-unlad ng konsepto ng blogging mula sa mga payak na talaarawan. Kasabay nito, mas nagkakaroon ng siyentipikong paliwanag ang samu’t saring palaisipang bumagabag sa malilikot na isipan ng mga tao.
Pero heto na lang ang isipin n’yo, mga kapwa ko bloggista. Sa mga ganitong panahon kung saan halos lahat ng mga pangyayari ay mayroong katapat na siyentipikong paliwanag, hindi ko masyadong akalain na hit na hit pa rin pala ang mga urban legends.
Kahapon, nagpakatamad na naman ako sa bahay. Pagkagising ko ng alas-dos ng hapon, ibinabad ko muli ang aking mga mata sa TV. Siyempre, manonood na naman ako ng V-League, kahit sa totoo lang ay napanood ko na nang live ‘yung ipapalabas nila. Nandoon kasi si Charo Soriano, ang kinababaliwan kong player ng Ateneo de Manila University.
Muling paalala: hindi po tungkol sa amin ni Charo Soriano ang kuwento. Haha.
Sarap na sarap Tuwang-tuwa ako kay Charo Soriano sa panonood ng laro. Game One kasi ‘yun ng Ateneo at Adamson. Kahit na alam kong talo na ang Ateneo, sige pa rin sa panonood. Pati ‘yung nanay ko, kilala na rin ang manugang niya si Charo Soriano. Natambakan ang Ateneo sa una at ikalawang sets, at parang nakikini-kinita na niya ang pagkatalo ng Ateneo, kung kaya naisipan niyang lumabas ng bahay upang makipagtsismisan makipagkuwentuhan sa mga kapitbahay.
Fourth set. Unti-unti ko nang nilalasap ang kagandahan ni Charo Soriano ang pagkatalo ng Ateneo nang makarinig ako ng mga matitinis na halinghing hagikgikan ng mga nanay sa labas ng gate. Sinubukan kong huwag pansinin ang tila kasiyahan sa labas, ngunit isang pangungusap ang nakakuha ng aking pansin.
Sino kaya ang aswang?
Posted by Yom 





